Paghahanda sa kalamidad
Ang paghahanda bago dumating ang bagyo, ang lindol at ang pagputok ng bulkan, sa Filipino, sa isang papel. I-print at idikit sa barangay hall, silid-aralan o sa pinto ng bahay.
Written for the Philippines. Isang papel lamang. Libre itong i-print at ipamigay.
Ang gagawin bago dumating ang bawat isa
Bawat hanay ay ang mga hakbang na ginagawa bago dumating ang panganib, sa pananalita ng UNICEF Philippines. Ang habang at pagkatapos ng bawat isa ay nasa gabay ng bawat panganib, naka-link sa ibaba.
Paghahanda sa kalamidad
Mula sa UNICEF Philippines. Ang mga hakbang bago dumating ang bagyo, lindol at bulkan.
Sino ang nagbibigay ng babala
Ang bagyo at ang bulkan ay may babala bago pa man dumating. Ang lindol ay wala, kaya ang buong hanay nito ay ginagawa nang maaga.
- Bagyo
- May babala: ang wind signals ng PAGASA, ilang araw bago ang landfall.
- Lindol
- Walang babala. Ang mga hakbang sa hanay nito ay ginagawa linggo o buwan nang mas maaga.
- Bulkan
- May alert level 0 hanggang 5 mula sa PHIVOLCS na tumataas habang lumalapit ang panganib.
Bagyo
- Maging handa at alerto bago pa man dumating ang bagyo sa inyong lugar.
- Suriin ang bahay kung may sira ang kisame, pinto o bintana, at ipaayos ito agad.
- Itali ang mga bubong at iba pang maaaring liparin ng hangin.
- Putulin ang mga sanga ng puno na maaaring bumagsak.
- Tiyakin na kumpleto ang iyong emergency go-bag at fully charged ang iyong phone at powerbank.
- Maging up-to-date sa typhoon signal warnings. Lumikas agad sa evacuation center o ligtas na lugar kapag may babala na mula sa PAGASA, LGU o barangay.
- Kung madalas magbaha sa lugar, itaas ang mga gamit na maaaring maabutan ng tubig-baha.
- Ipaliwanag sa mga bata kung paano mag-ingat at maghanda para hindi sila matakot sa bagyo.
Lindol
- Suriin: Malapit ba kayo sa fault line? O maaari bang mag-landslide o mahagip ng tsunami ang inyong lugar?
- Tiyakin na matibay ang pagkakagawa ng mga pader at poste ng bahay.
- Ikabit sa pader ang mga mabibigat na furniture at gamit na maaaring bumagsak kapag lumilindol.
- Alamin ang mga ligtas at hindi ligtas na lugar sa inyong bahay.
- Ituro sa mga bata kung paano mag-Drop, Cover and Hold sa oras ng lindol.
Bulkan
- Maging alerto at handa bago pa man pumutok ang bulkan.
- Maging updated sa alert level ng bulkan at official warnings ng barangay o LGU.
- Tiyakin na kumpleto ang laman ng emergency go-bag.
- Maghanda ng goggles at makapal na face mask para sa buong pamilya.
- Mag-evacuate kung ang bahay ay nasa loob ng danger zones.
staysafedaily.com/emergency-preparedness/paghahanda-sa-kalamidad/ . Wording from UNICEF Philippines: Emergency preparedness tips for typhoons, earthquakes and volcanic eruptions.
Source: UNICEF Philippines, Emergency preparedness tips: typhoons. Read 23 September 2026.
Source: UNICEF Philippines, Emergency preparedness tips: earthquakes. Read 23 September 2026.
Source: UNICEF Philippines, Emergency preparedness tips: volcanic eruptions. Read 30 September 2026.
Why this page is in Filipino
The results for paghahanda sa kalamidad, read on 30 September 2026, are led by a Japanese international centre's Filipino guide, with the city governments of Nagoya and Shinjuku serving their own Filipino residents further down, then SlideShare and Scribd uploads and Facebook posts. No Philippine agency has a page on that result set, and UNICEF Philippines appears on it only with its English typhoon page.
Every line on this sheet is UNICEF Philippines' own Filipino wording, from its three hazard pages. Nothing is translated from the English elsewhere on this site, because a translation would carry this site name under a safety instruction rather than an agency name.
Ang bawat panganib, nang buo
Nasa gabay ng bawat panganib ang habang at pagkatapos, kasama ang mga scale ng PAGASA at PHIVOLCS, sa Ingles. May sariling papel din ang bagyo at ang lindol.
Ang gabay sa bagyo Ang gabay sa lindol Ang gabay sa bulkan Papel: bagyo Papel: lindol Ang go bag checklist